Alice,
I'm alright. Until I'm alone. But in a way, I'm GLAD.
It's been months since hindi kita nakausap. With school and everything, parang sobrang busy na ako na nakaligtaan ko na kausapin kita. I've been busy. Busy parang maging isang matapang na tao. Pero deep inside, isa pa rin akong soreloser. Parang tingin ng iba sa akin, nagmamagaling ako. Nagmamagaling in the sense na kahit sabihin nilang matalino. At since first time kitang makausap ng Tagalog, sana ngayon maiitindihan mo na rin ako at lahat ng pinagdaanan ko since simula ng second year ng madugong buhay ko sa kolehiyo.
JERK. Ito ang tawag sa mga taong katulad ko. Sinasabi nila na hindi ako marunong tumanaw ng utang na loob sa ibang tao at parang "shallow" ako kung tumingin sa kanila. Ewan ko kung bakit. I try so hard para man lang magkaroon sila ng kahit katiting na respeto at "sympathy" sa akin. Pero wala talaga eh. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw na ayaw nila sa akin. Tell me, Alice, naging sobrang MAYABANG na ba ako na hindi ko na alam kung anong ginagawang pagmamagaling sa ibang tao? Or is it because masyado na silang preoccupied sa sarili nilang buhay na hindi man lang nila ako nakikita? Am I INVISIBLE to THEM? Or SILA ang INVISIBLE sa paningin ko?
Ito ang nagmamarka sa isipan ko ngayon. Parang wala na akong masasabi pa. Kasi paulit - ulit na ako sa feeling na ito at hindi pa rin ako nagtatanda. Kung maibalik ko man sana ang panahon at itama ang mga pagkakamali ko, gagawin ko yun. Kung meron akong itama na mali ko noon, ito ay ang paging tanga ko at ang pagiging mahina ko. Kung pwede lang sana gawin yun.
Hanggang dito na lang, Alice. Ewan ko lang kung may masasabi pa ako.
Nathaniel